Abante Tonite Interactive

Lalaki na gustong makita si Inday Sara hinuli sa Davao

By
748

Hinuli ng mga pulis ang isang lalaki na nagpupumilit umanong makita si Davao City Mayor Sara Duterte sa Davao City Hall noong Biyernes.

Kinilala ang lalaki na si Leonardo Bonani, 34-anyos, na nagbanta umanong papatayin ang mga tao sa munisipyo kung hindi nila ihaharap sa kanya ang alkalde na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mabilis na dinakip si Bonani ngunit habang sakay ng police mobile ay tumalon ito kaya’t nagtamo ng pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

“Gusto ko lang sanang humingi ng tulong kay Mayor kasi magpapagamot ako, laging sumasakit ang tiyan ko,” paliwanag ni Bonani.

Agad kinasuhan ng San Pedro Police Station si Bonani ng kasong Resistance and Disobedience to a Person in Authority.