Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lalaki na-sandwich sa tractor, trailer

0 206

Patay ang isang hindi nakikilalang lalaki na naki-hitch sa isang trailer truck at naipit sa pagitan ng tractor head at trailer na nakakabit kamakalawa ng gabi sa Honorio Lopez Blvd. cor. Balut, Tondo, Maynila.

Ayon sa Manila District Traffic Enforcement Unit-Vehicle Traffic Investigation Section, inilarawan ang biktima na nakaitim na pantalon, blue green na t-shirt at nakatsinelas.

Naganap umano ang insidente alas-10:30 ng gabi sa nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ni PSSG Gerald Gonzales, ng MDTEU-VTIS, sinabi ni Jonas Delina, driver ng trailer truck na binabaybay niya ang kahabaan ng H. Lopez Blvd Balut, Tondo nang pagsapit sa Rodriguez St., nakita niya ang biktima na nagpupumilit sumabit sa trailer.

Nag U-turn umano siya sa may Shell gasoline station sa H. Lopez at ipinarada ang track sa harap ng kanilang opisina.

Pagbalik sa sasakyan, napansin niya ang naipit na biktima na wala nang buhay, (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.