Abante Tonite Interactive

Lalaki nagbigti

By
7

Isang lalaki ang natagpuang wala nang buhay nang magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Lungsod ng Valenzuela kamakalawa.

Ganap umanong alas-4:00 ng hapon nang madiskubre ng kanyang nakababatang kapatid na nakilalang si Godofredo Caceres ang biktimang si Moises Caceres na nakabigti sa kisame ng kanilang bahay sa Area IV, Dumpsite, Barangay Pinalagad ng nasabing lungsod.

Agad siyang humingi ng saklolo sa kanilang mga kapitbahay upang agad sanang maisugod sa pagamutan ang biktima ngunit wala na pala itong buhay.

Sa pagsisiyasat ng Scene Of the Crime Ope­ratives (SOCO) ay isang nylon cord umano ang ginamit ng biktima sa pagbibigti. Sa ngayon ay kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang malaman kung talaga bang nagpatiwakal ang biktima o kung may naganap na foul play sa nasabing insidente.

Nakatakda namang sumailalim sa autopsy ang labi ng biktima.