Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lalaki nakaladkad ng umatras na sasakyan, tigok

0 211

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 48-anyos na lalaki nang makaladkad ito ng isang sasakyan sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite.

Kinilala ang biktima na si Arnold Mayoni, habang ang driver ng sasakyan ay si Ricardo Adarayan, 47, pawang mga taga-Brgy. Gregoria De Jesus.

Sa ulat ng pulisya, alas-9:47 Huwebes ng umaga nang maganap ang insidente kung saan tumigil ang minamanehong sasakyan ni Adarayan sa harapan ng bahay ng biktima nang tawagin siya ng huli para bumili ng isdang pang-ulam.

SM food to go Banner Ad

Pero habang nasa gilid ng sasakyan ang biktima, umandar ito paatras at dahil pababa ang kalsada ay mabilis itong dumausdos kasama ang biktima hanggang tumama ang katawan sa kongkretong poste.

Isinugod pa ang biktima sa ospital subalit hindi na ito umabot nang buhay. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.