Abante Tonite Interactive

Lalaki nakitang may invisible na pakpak

323

Mga ka-Misteryo, nakarinig na ba kayo ng kuwentong karanasan na may nakitang tao na may imbisibol na pakpak?

‘Yan ang ating misyon: “Basta may Misteryo, alamin ang totoo”
Hindi inaasahan ni Jere­miah na may mapansin siya sa kanyang matalik na kaibigan habang nag-uusap sila sa isang kapihan sa Mandaluyong.

Noong una ay hindi muna pinansin ni Jeremiah ang nakita niya sa kaibi­gang si Anthony pero na­ging palaisipan sa kanya ang nakikita niyang hugis pakpak sa likod nito.

Una niya itong napansin habang umaakyat sila sa isang bundok sa Quezon dahil tinamaan ng liwanag ng araw ang gawing likuran ni Anthony habang nakatapat sa talon o waterfalls.

Hindi na nagtanong si Jeremiah sa pag-aakalang imahinasyon lamang niya ang nakita lalu na at bigla ring nawala sa kanyang paningin.

Pero habang nagkakape silang dalawa ay mas malinaw niyang nakita ang hugis pakpak sa likod ni Anthony.

Kaya’t hindi na siya nakatiis at nagtanong sa kaibigan.

Jeremiah: “Pre ‘wag ka magagalit pero matagal kong napapansin ‘yang nasa likod mo, alam mo ba ‘yan? Ano ba ‘yan?

Anthony: “Pre no problem pero honestly hindi ko alam kung ano ito pero nararamdaman ko laging sumasakit ang likod ko.”

Jeremiah: “‘Wag kang mabibigla pre parang invisible na pakpak ang nasa likod mo, malaki hanggang lagpas sa ibaba ng tuhod mo at nakaumbok ang gawing taas lalu ‘pag nakatayo ka.”

Anthony: “Don’t tell me nag-iisip kang anghel ako ha ha ha!”
Jeremiah: “I think you need to ask another person baka makita rin ‘yan for second opinion.”

May narinig na rin akong ganitong karanasan ng ibang tao pero palaisipan pa rin kung ang may invisible wings na ito ay maituturing na anghel. Pero maaaring may kinalaman din ito sa mga nakalipas nilang mga buhay alinsunod sa paniniwala ng reincarnation. Maaaring sila ay ang mga tinaguriang human angels.
***
Para sa inyong mga karanasang kababalaghan at kakila-kilabot, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang websites: www.reytsibayan.com at abante.com.ph.