Abante Tonite Interactive

Lalaki nakuryente sa munisipyo

310

Nasawi ang isang lineman ng Quezon Electric Cooperative matapos itong makuryente habang nag-aayos ng linya sa munisipyo ng bayan Pitogo kamakalawa nang tanghali.

Kinilala ang biktima na si Bryant Aviles, 26-anyos.

Batay sa report ng Pitogo police, nasa terrace sa ikatlong palapag ng munisipyo ang biktima at idinudugtong ang entrance electrical line ng gusali buhat sa mainline nang aksidente nitong mahawakan ang talop na kawad ng kuryente.

Agad nangisay ang biktima at nawalan ng malay.

Isinugod pa ito sa kalapit na municipal health office subalit dineklara na itong dead-on-arrival. (Ronilo Dagos)