Abante Tonite Interactive

Lalaki nang-rape ng baboy

852

Tila walang pakialam sa African Swine Fever scare ang isang lalaki matapos itong ares­tuhin dahil sa pang­re-rape umano ng isang baboy sa Sual, Pangasinan.

Kasalukuyan na umanong nakakulong sa Pangasinan Provincial Police si Rommel Marimla, 21, construction worker, habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya na paglabag sa Animal Welfare Act at grave scandal.

Dinakip ang suspek alas-nuwebe ng umaga nitong Sabado matapos ireklamo ng overseas Filipino worker na si Jomar Austria ng panghahalay sa 8-buwang gulang na baboy niya.

Nakita pa umano ni Austria na namamaga at nagdurugo ang ari ng kanyang alaga. (IS)