Abante Tonite Interactive

Lalaki nang-umit ng 20 Salonpas sa Watson’s Cavite

By
313

Hindi umubra ang pinasadyang bulsa sa pantalon ng isang 51-anyos na lalaki nang mabuking sa kinupit niyang 20 piraso na Salonpas sa Rosario, Cavite.

Nakakulong ngayon sa detention cell ng Rosario Custodial Center ang suspek na si Ernesto Pa­loma, binata, ng Brgy. San Francisco I, Dasmariñas City, Cavite dahil sa reklamo ni Paul Vicnet Dereja, store supervisor ng Watson’s Rosario branch sa Brgy. Rejeros Convention, Rosario, Cavite.

Sa report ng Rosario police, dakong alas-tres ng hapon nang pumasok ang suspek sa nasabing tindahan at nagkunwa­ring customer.

Dumeretso ang suspek sa first aid section at kumuha ng 20 pirasong Salonpas na nagkakahalaga ng P52 kada piraso o kabuuang P1,040 saka ipinasok ito sa kanyang ipinasadyang bulsa ng kanyang maong pants.

Subalit lingid sa kaalaman ng suspek ay minamanmanan na siya ng civilian guard na si Norberto Bautista Jr.

Pagdating sa counter, nagbayad ang suspek para sa isang pirasong ­Salonpas saka ito ­lumabas. Gayunman, sinita siya ni Bautista.

Itinanggi ng suspek na may dala pa siyang iba pa pero nang dalhin sa security office ay dito nakita ang 20 piraso pang dala niyang Salonpas na isinilid nito sa kanyang bulsa.

Kasong theft (shoplifting) ang isinampang kaso laban sa naarestong suspek.