Abante Tonite Interactive

Lalaki pinagbabaril, ipinaanod sa ilog

By
1,052

Bumulaga sa mga naninirahan sa tabi ng maruming ilog sa Brgy. Baesa, Quezon City ang bangkay ng isang lalaki na may mga tama ng bala ng baril sa katawan kahapon ng umaga.

Kinilala ni Chief Inspector Elmer Monzalve, ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, ang biktima na si Gary Sison, 35-anyos, na napag-alamang naninirahan sa Upper Pajo, Sitio Mendez sa nasabing barangay.

Base sa ulat, dakong alas-5:45 ng umaga nang matagpuan ang palutang-lutang na bangkay ng biktima kasama ng mga basura sa nasabing ilog. May mga tama ito ng bala sa katawan mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril.
Ipinagbigay-alam ng mga residente sa mga opisyal ng kanilang barangay ang nakitang bangkay na siya namang nag-report sa pulisya.

Abante Hiring – IT dep

Hinala ng pulisya na gabi nang pagbabarilin ang biktima at posibleng itinapon na lamang sa ilog ang bangkay nito.
Patuloy pang iniimbestigahan ang krimen.