Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lalaki sa van hinulog, tiningga

0 64

Inihulog sa isang puting van at muling binaril hanggang masawi ang isang hindi nakikilalang lalaki kahapon ng madaling-araw sa Paco, Maynila.

Ito ang nakita sa nakakabit na CCTV sa lugar alas-3:17 ng madaling-araw sa Pres. Quirino Avenue, Paco.

Inilarawan ni PSSg Arvin Bautista, ng Manila Police District-homicide section, ang biktima na nasa edad 35-40, may taas 5’7, katamtaman ang pangangatawan, nakapulang t-shirt at puting shortpants.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa imbestigasyon, nakita sa CCTV ang pagdating ng puting Mitsubishi L-300 na van na hindi naplakahan at ipinarada sa gilid ng kalsada. Bumaba ang isa sa suspek, hinatak nito ang 2 paa ng biktima na nahulog sa kalsada.

Nang makita ng suspek na gumagalaw pa ang kamay ng biktima ay muli nitong binaril saka bumalik sa van at tumakas.

Dinala ang bangkay sa Cruz Funeral Morgue para sa awtopsiya at safekeeping. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.