Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lalaki sinalvage, hubad na sinako

0 80

Natagpuan ang hubo’t hubad na bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na nakasilid sa sako sa Brgy. Greater Lagro, sa Quezon City, nitong Linggo ng umaga.

Ang biktima ay nasa edad 25-30, may taas na 5’2, blonde ang buhok at katamtaman ang pangangatawan.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit, ng Quezon City Police District, alas-7:30 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa Quirino Highway sa harap ng Royal Class Motor.

Nagbibisikleta si Ramil Mamangon nang mapuna ang sako na may bahid ng dugo sa gilid ng kalsada.

Nang lapitan ay nakita umano ni Mamangon na may nakausling paa kaya’t agad humingi ng tulong kay PCpl Darwin Panares, na nakatalaga sa Police Community Precinct 1 (PCP-1).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dito na natuklasang nakagapos ang mga kamay at paa ng biktima at may mga tama ng bala sa katawan.

Nasamsam sa crime scene ng SOCO team sa pamumuno ni PLt. John Agtarap (3) fired cartridge case, (3) plastic straw, at (1) color grey sack.

Ayon sa SOCO, posibleng sinakal muna ang biktima makaraang makitaan ng malalim na marka sa leeg bago pinagbabaril ng mga salarin saka isinako at iniwan sa lugar.

Nagsasagawa na ang mga awtoridad ng masusing pagsisiyasat upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at ng mga suspek at matukoy din ang motibo sa pagpatay. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.