Abante Tonite Interactive

Lalaki tinarget sa ulo habang palabas ng bahay

206

Patay ang isang lalaki nang dalawang ulit itong barilin sa ulo ng isang hindi pa kilalang motorcycle rider habang papalabas ng kanyang bahay sa Antipolo City, Huwebes ng mada­ling-araw.

Dead on-the-spot ang biktimang si Lorenzo Solis, nasa hustong gulang at residente ng Central 1, Brgy. Inarawan, Antipolo City dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng nag-iisang gunman na tumakas matapos ang krimen sakay ng motorsiklong walang plaka.

Sa ulat ng Antipolo City Police, alas-7:05 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa harapan mismo ng bahay ng biktima.

Papalabas pa lamang ang biktima sa kanyang tahanan nang biglang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinaputukan siya sa ulo, na ikinasawi nito.
Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan at motibo ng suspek sa naganap na pagpatay. (Edwin Balasa)