Abante Tonite Interactive

Lalaki todas sa shotgun ng utol

By
243

Nasawi ang isang karpintero matapos na aksidenteng mabaril ng kanyang nakatatandang kapatid na lalaki sa Barangay Cagsiay 2, Mauban, Quezon ­kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng Mauban police ang biktima na si Ruel Bon Pinza, 32-anyos.

Batay sa imbestigasyon ng Mauban-PNP, dakong alas-singko ng hapon ay magkasamang nangangaso ang biktima at ang kapatid nito na si Joey Bon Pinza, 48-anyos, sa magubat na bahagi ng nasabing barangay.

Ayon umano sa suspek, magkasunod silang nagla­lakad ng kapatid habang dala niya ang kanyang improvised shotgun nang bigla itong pumutok.

Tinamaan sa ulo ang biktima at namatay noon din.

Kusang-loob namang sumuko ang suspek sa mga awtoridad at ngayon ay nakakulong na sa Mauban police station custodial facility.