Abante Tonite Interactive

Lalaki tumalon sa mall, patay!

By
12

Patay ang isang lalaki matapos tumalon mula sa ika-apat na palapag ng Sta. Lucia Mall sa Cainta, Rizal.

Sa ulat ng Cainta Rescue Team, itinawag sa kanilang ang insidente kaninang alas-12:20 ng tanghali.

Ayon kay Eric Arevalo ng Cainta Rescue, wala pa silang nakukuang lead kung bakit biglang tumalon ang lalaking biktima na nasa edad 30 hanggang 40.

Dead-on-the-spot ang lalaki nang datnan ito ng rescue team.

Isang 16-anyos na dalagita rin ang nadaganan ng tumalong lalaki na agad dinala sa pinakamalapit na ospital dahil sa tinamong bali sa hita at head trauma.

Sinisikap makuha ng mga awtoridad ang CCTV footage ng mall para malaman kung mayroong foul play o itinulak ang lalaki.