Abante Tonite Interactive

Lalaking may pinagdadaanan nagpakalunod sa Manila Bay

340

Patay na nang maiahon ang katawan ng isang ‘di pa nakikila­lang lalaki na hinihinalang sawi sa pag-ibig kaya tumalon at nagpakalunod kamakalawa ng gabi sa breakwater ng Manila Bay sa Pier 6, Tondo, Maynila.

Ang biktima ay inilarawang nasa edad 35-40, payat, maputi at naka-t shirt na puti at maong na pantalon.

Tumanggi umano ito na hawakan ang lubid na inihagis ng security guard na si Melanio De Jesus.

Sa imbestigasyon ni PEMS. Donald Panaligan, ng Manila Police District-homicide section, alas-8:58 ng gabi nang makita ni De Jesus ang pagtalon sa breakwater ng biktima na mistulang hindi naman maliligo dahil nakadamit ito.

Kinumbinsi ng guwardiya ang biktima na hawakan ang inihagis niyang lubid at plastic container.

Sa halip namang hawakan ang lubid ay sumigaw lamang ito ng “Mahal kita Donna!” bago pumailalim sa tubig at tuluyang nag­laho.

Nang hindi agad lumutang ay ini-report ito sa Maritime Group, PCG at MPD.

Naiahon naman ang biktima matapos sisirin sa lugar ng Special Ope­ration Group ng PCG ang biktima sa pangu­nguna ni PO3rd Arnold Caberte pero bangkay na ito. (Juliet de ­Loza-Cudia)