Abante Tonite Interactive

Lalaking namugot, kumain ng utak todas sa police escort

582

Todas ang isang sadistang lalaki na kumain ng utak ng babaeng pinugutan nito ng ulo matapos manlaban sa mga umarestong pulis habang ineeskortan lulan ng mobile car sa highway ng Punta Gorda, Jasaan, Misamis Oriental, Biyernes ng gabi.

Ang napatay na suspek na si Lloyd Supera Bagtong, 21, ay naaresto ng mga awtoridad sa pursuit operation ilang oras matapos ang karu­mal-dumal na krimen.

Si Bagtong na hinihinala ring miyembro ng isang kulto ay itinuturong nasa likod ng pagpatay sa babaeng pinugutan ng ulo matapos pagsasaksakin at kinain pa ang utak nito sa Purok 2, Brgy. Punta Santiago, Talisayan, Misamis Oriental.

Ang bangkay nito na walang damit pang-itaas ay natagpuang paupong nakasalampak na walang ulo, nakagapos ang mga kamay, nakamaong na pantalon sa isang liblib na lugar.

Alas-7:40 ng gabi, ayon kay Jasaan Police Maj. Dennis delos Santos, habang ibinabiyahe ng mga pulis ang suspek pabalik sa Talisayan Municipal Police Station ay na-flat ang gulong ng mobile car.

Isa sa mga police escort ang bumaba habang nakiusap naman ang suspek na ilagay sa unahan ang posas ng kamay dahil nadyi-jingle umano siya.

Habang inaayos ang posas bigla na lamang umanong inagaw ng suspek ang Glock 9 MM pistol at pinaputukan ang escort na nakailag.

Dahil dito gumanti ang isa pang kasamang pulis at binaril ang suspek nang makitang muli itong magpapaputok. (Dolly Cabreza)