Abante Tonite Interactive

Lalayasan ang ‘Eat Bulaga’?

1,003

Big deal ba talaga ang panayam ni Boy Abunda kay Maine Mendoza? Ang mga pralala manunulat sa paliligid-ligid ng linga ni Mendoza, ang mga paandar eh lilipat na nga ang dalaga sa Mother Ignacia station, huh.

Para namang vapid kayong lahat sa emote niyong iyan. Alam niyo naman kung saan nakakontrata si Menggay at kung sino ang pamunuan na siyang nangangalaga sa kanyang karera, hindi ba naman?

Ang mga hanash at kuda, alam na alam na gustong i-drumbeat ang “premium” ni Mendoza bilang ka-Siyete na may pagkakataong maging Kapamilya na.

Sa true lang, bongga nga kung mawawala na si Menggay sa Kamuning network. Kung Kapamilya na siya, more chances of winning ang kanilang pagsasama ni Arjo Atayde sa loob ng ABS-CBN. Walang hadlang na pagsasamahin sila sa mga proyekto, mapa-telebisyon man o pelikula.

Sure na sure ako na ang mga MaiJo supporter, bet na bet ang scenario na iyan, hindi ba naman. Kung ito ngang they belong to different networks, they spend quality time together. Kung magka-network na sila, mas pasok sa banga ang kanilang pagsasama bilang magkasintahan at co-workers.

Bukas na kasaysayan naman na ang lahat ng mga Kapusong nagiging Kapamilya, eh mas lalong sumisikat kaya kung iyan ang ginagawa niyong dahilan kaya big deal ito, eh ‘di sige. ‘Pag tapos na ang kontrata niya sa kanyang pamunuan, she can walk out the “Eat Bulaga” door.

Ang iba diyan parang atat na atat na sumakabilang station ang kasintahan ni Atayde.

Parang gusto nilang palabasin na wala itong utang na loob sa network where she belongs now. Kung ano man ang na-ging investment sa kanya, eh napagtrabahuhan na niya talaga at puwede na niyang talikuran ang show nila ni Bossing Vic Sotto at ang “Eat Bulaga.”

Sa totoo lang, naging Yaya Dub siya dahil sa EB, naging minsang phenomenal dahil sa AlDub at naging household name and loved by many kasi nga kasama siya sa noontime variety show na ang hatid ay isang libo’t isang tuwa.

May pananalig naman kami na alam pa ni Maine what is “loyalty,” tumpak ba kami? Kung gusto niyong maparatangan si Menggay na ultra-ingrata at maging negative ang image bilang babaeng who bit the hands that made her famous, push niyo pa more at g­awing mega-big deal ang “transfer” angle na iyan. Malay niyo, ang mga Pulis Pangkalawakan, ibigay sa inyo. Go Maine, walk out the door!

Pasigaw na hosting ni Regine ‘di nakakatuwa

Marami ang hindi natuwa sa halos pasigaw na pagde-deliver ng spiels ni Regine Velasquez sa “Kadenang Ginto” segment na nangyari sa “ASAP Natin ‘to.”

Nakakapagdabog sa bangs ang katotohanan na tuwing tanghalian na lang, ‘pag aabot na ang kanyang awit sa katapusang bahagi, pasigaw na naman ang kanyang pagkanta, ‘yung sinasabi nilang “birit” para lang mapatunayan she can still reach the highest of notes at kalakasan pa rin ang lung power ni Asia’s Songbird.

Siyempre, she gives what her adoring public wants pero sana naman, ‘pag spiel na, huwag na pa-high decibel pa rin. Sigaw sa pagkanta.

Sigaw sa pagho-host, ganito na ba talaga dapat ang standard of excellence sa pag-awit at hosting? Nagtatanong lang po.