Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lamang dagat binawal sa red tide

0 396

Pinagbawalan muna ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko na kumain ng mga lamang dagat mula sa coastal waters ng Malampaya Sound; Taytay, Palawan; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol dahil nananatili itong positibo sa ‘paralytic shellfish poison.’

Positibo rin sa red tide toxin ang Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; Coastal Waters ng Calubian, at Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Murcielagos Bay (Sapang Dalaga at Baliangao) at coastal waters ng Ozamiz City sa Misamis Occidental; at Taguines Lagoon, Benoni, Mahinog, sa Camiguin; Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental; at Lianga Bay at coastal waters ng Hinatuan sa Surigao del Sur.

Ito ay base sa huling labolatory results ng BFAR at local government units (LGUs), na ang nakolektang shellfish at alamang sa nabanggit na mga lugar ay nananatiling positibo sa paralytic shellfish poison kung kayat hindi ito ligtas kainin ng publiko. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.