Abante Tonite Interactive

Lamay niratrat, 3 patay

By
1,527

Patay ang tatlo katao kabilang ang isang retiradong pulis at retiradong sundalo matapos pagbabarilin ng nag-iisang suspek na sakay ng motorsiklo ang isang lamayan sa Isabela, Negros Occidental kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang mga biktimang nakilalang sina retired Army soldier Jose Jurito Amable; retired police officer Alejandro Borez at isang sibilyan na si Frederic Bitgue, pawang residente ng Barangay Bulad ng nasabing bayan.

Sugatan din ang dalawa pang biktima na inaalam pa ang mga pangalan at ngayon ay ginagamot sa pagamutan.

Sa ulat na isinumite ni Chief Insp. Ruben Pajarito, hepe ng Isabela Municipal Police Station (MPS) sa Camp Crame, naganap ang insidente pasado alas-10:00 ng gabi sa isang lamayan ng patay sa Barangay Bulad ng nasabing bayan.

Bigla na lang dumating ang suspek sakay ng motorsiklo at pinaulanan ng bala ang mga tao sa lamay kung saan napuruhan ang tatlong biktima.
Hindi pa alam ang motibo ng pamamaril. ()