Abante Tonite Interactive

Lambanog na nakapatay ng 14 katao positibo sa methanol

By
0 643

Batay sa isinaga­wang pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA), natuklasan na may halong methanol liquid ang ininom na lambanog ng nasawing 14 katao sa Laguna at Quezon.

Kilala ang methanol bilang isang wood alcohol at nakalalasong likido. Ayon sa FDA, maa­aring hinaluan ng ma­laking kantidad ng methanol ang lambanog na ininom ng mga biktima dahilan para malason ang mga ito.

Nabatid na kapag nakainom ang tao ng 30ml o halos dalawang kutsara lamang ng metha­nol ay ikinokunsidera na itong nakamamatay.

Kapag ang methanol ay na-convert bilang formaldehyde at formic acid, ito ay nakakalason sa atay at bato.

Ang sintomas ng methanol poisoning ay ang mahirap na pag­hinga, panlalabo ng pa­ningin, sumasakit ang tiyan, pananakit ng ­likuran at comatose na tulad ng nangyari sa mga nasawi.