Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lambda variant minaliit ng PH Genome exec

0 54

Hindi dapat na ikabahala ng publiko ang Lambda variant ng COVID-19 na unang na-detect sa Peru, ayon sa Philippine Genome Center (PGC).

Sinabi ni PGC executive director Dr. Cynthia Paloma sa isang forum na ang mga kaso ng Lambda na na-detect sa 33 bansa ay kinakitaan ng pagbaba.

Itinuturing umano ng World Health Organization (WHO) ang Lambda bilang “variant of interest” subalit hindi sa Estados Unidos.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“In other countries also, we have not seen a rise in cases of the Lambda variant and that’s why even in the US, Centers for Disease Control and Prevention does not even consider the Lambda variant as variant of interest,” ayon kay Saloma.

Aniya pa, nananatili ang Delta variant na pangunahing banta sa bansa. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.