Abante Tonite Interactive

Lamborghini gumasta sa tribute kay Kobe

994

Pinakamahal at pinakamaa­ngas na tribute kay Kobe Bryant ang agaw-eksenang Lamborghini Huracan na inilabas bago ang 69th NBA All-Star Game 2020 sa Chicago nitong Linggo.

Dinampot ng ESPN at Sports Center ang video mula sa @ashleeonair, briancee_/Instagram para i-share, at agad pumatok.

Purple na may yellow ang convertible, tadtad ng tributes kina Kobe at anak na si Gianna.

Lahat mula sa Mamba logo, ang kanilang number 8, 24 at 2, hanggang sa portrait ng magtatay. Sa salamin sa likod ang imahe ng mag-ama na nakatungo si Kobe kay Gianna, magkayakap pagkatapos ng isang basketball game – may halo pa sa taas ng ulo ni Kobe.

Nasa side ang Lakers logo.

“Using death for a publicity stunt,” komento ng isa.
“Great respect,” salungat ng isa pa.

Mahirap kuwentahin kung magkano ang Lambo Huracan.
Pero kung may pera naman ang nakaisip at gumawa nito, insane! (VE)