Abante Tonite Interactive

LaMelo Ball, Jackson bumili ng NBL team

404

Nagbakas sina LaMelo Ball at Jermaine Jackson para mabili ang isang National Basketball League (NBL) team sa Australia.

Kasalukuyan naglalaro ang utol ni National Basketball Association player ng New Orleans Pelicans Lonzo Ball sa NBL Australia para sa koponang Illawara Hawks at napamahal na sa kanya ito.

Nag-average si LaMelo ng 17 points, 7.5 rebounds at 7 assist sa loob lang ng 12 games bago nagtamo ng injury. Isa siyang prospect sa 2020 NBA Draft.

May financial issue ang team kay LaMelo, kaya binili niya at ni former NBA at European cager Jackson ang team, na done deal base na rin sa kuwento ng huli sa ESPN.

“Melo loves the Illawarra fans,” saad pa ni Jackson.

“He loves that community. They opened their arms to him. They made us feel like we are at home. When we started hearing about the issues they were going through, we talked about it and decided, ‘Let’s own the team.'” (Aivan Denzel Episcope)

Tonite – Wendys Inhouse Ad