Abante Tonite
Mabilis sa Balita

LaMelo Rookie of the Year

0 113

Si Charlotte Hornets guard LaMelo Ball ang NBA Rookie of the Year ng 2020-21, ayon sa announcement ng NBA nitong Huwebes.

Tinalo ng 19-year-old playmaker sina Anthony Edwards ng Timberwolves at Tyrese Haliburton ng Kings.

Third pick overall ng Hornets si Ball noong nakaraang draft sa likod nina top selection Edwards at James Wiseman ng Warriors.

SM food to go Banner Ad

Nag-average si Ball ng 15.7 points, 5.9 rebounds, 6.1 assists at 1.59 steals sa 51 games ng kanyang maiden season. Rookie leader siya sa assists at steals.

Nakakuha si Ball ng 84 first-place votes mula sa panel ng 99 sportswriters at broadcasters.

Pinakabatang player sa kasaysayan ng NBA na naglista ng triple-double si Ball, ginawa niya kontra Atlanta noong January. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.