Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lamig sa Baguio tagos hanggang buto

0 92

TAGOS hanggang buto ang lamig sa Baguio City matapos na bumagsak sa 12.4 degress Celsius ang temperatura kahapon ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ang pinakamababang naitala sa Baguio mula nang magsimula ang panahon ng Amihan nitong Nobyembre.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ng PAGASA, sa Basco, Batanes ay pumalo sa 15 degrees Celsius ang lamig, 17 degrees Celsius sa Malaybalay, Bukidnon at 25.4 degrees Celsius sa Quezon City.

Ayon sa weather station, apektado ng Amihan ang northen at central Luzon, habang umiiral ang tail-end of a frontal system sa silangang bahagi ng Central Luzon.

Sa rainfall forecast ng PAGASA, sinabing asahan ang pag-ulan sa umaga sa Bicol region, Miraropa at ilang bahagi ng Northern Luzon, Quezon Province, Panay Island, Eastern Visayas at Mindanao. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.