Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lampas 45K nakabawi sa COVID

0 82

Mas maraming nakarekober kumpara sa bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) hanggang pasado alas-otso kagabi, Oktubre 3.

Sa inilabas na COVID-19 Case Bulletin No. 568 ng DOH, nakapagtala ng 13,273 bagong kaso subalit nasa 45,249 naman ang gumaling matapos dapuan ng virus.

Nakapagtala naman ng 112 bagong namatay.

Hanggang kahapon ay umabot na sa 2,593,399 ang kabuuang bilang ng mga nagkasakit dahil sa COVID pandemic sa bansa.

Mula sa kabuuang bilang ay 112,008 (4.3%) ang aktibo, 2,442,623 (94.2%) ang gumaling at 36,768 (1.49%) ang nasawi.

Ayon sa DOH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Oktubre 1, 2021 habang mayroong tatlo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

“Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.6% sa lahat ng samples na naitest at 0.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” sabi ng DOH.

Leave A Reply

Your email address will not be published.