Abante Tonite Interactive

Lanao del Sur vice mayor, pinasisibak ng Ombudsman

By
123

Iniutos ng tanggapan ng Ombudsman ang pagpapaalis kay Bacolod-Kalawi Lanao del Sur Vice Mayor Diarangan Dipatuan sa kanyang puwesto matapos kakitaan ng “guilty of grave misconduct” dahil sa hindi umano nito pag-remit ng Government Service Insurance System (GSIS) contributions ng mga empleyado ng local na pamahalaan noong 2015.

Bukod kay Dipatuan, kasama ring pinadi-­dismiss sa serbisyo sa gobyerno ang noo’y treasurer na si Rasad Dumarpa.

Dahil sa insidente’y pinatawan sina Dipatuan at Dumarpa ng mga parusang pagkansela ng eligibility, forfeiture ng retirement benefits at perpetual o habambuhay na diskwalipikasyong magkaroon ng posisyon sa gobyerno.

Ayon sa Ombudsman, noong Disyembre 2015 ay sinilip ng complainant na si Habib Tarosan ang record ng kanyang contributions sa opisina ng GSIS.

Dito’y nadiskubre ni Tarosan na kulang ang monthly salary nito na idineklara ng dalawang opisyal na mahigit P14,000 sa halip na mahigit P20,000.