Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lance Raymundo sa Fashion Week Brooklyn, NewYork – Manila

0 59

Isang matagumpay na pagpapalabas noong October 13 sa Pilipinas ang Fashion Week Brooklyn, NewYork – Manila.

Ang kauna-unahang virtual fashion week na isinagawa sa pagtutulungan ng pamumuno ni Rick Davy ng Brooklyn, New York at ni Bench Bello ng Manila, Philippines.

Nasa 30 designers/retailers ang mga kalahok sa event na mula pa sa ibat ibang bansa.

Mapalad na naging kabahagi ng bonggang event na ito ang inyong lingkod.

Isa sa mga naging modelo sa fashion show na ito ay walang iba kundi ang isang mabait at magaling na singer/ actor na si Lance Raymundo.

Walang patumanggang tinanggap ni Lance nang alukin siyang maging parte ng malaking event na ito.

Unang-una ay sa kadahilanang alam niyang makakatulong siya sa adbokasiya ng proyektong ito.

Bukod pa siyempre sa ninanais din nya makibahagi sa pagpapalakas ng fashion at events industry na naapektuhan ng kasalukuyang sitwasyon.

Alam natin na si Lance bago pa man nagkaroon ng quarantine ay busy sa mga projects tulad ng teleserye, pelikula at concert.

Hindi lang ‘yan dahil magiging host na rin sya ng isang online program na The BrandAsia Channel na produced ni Mr. Ben Jandoc at ng GanapTV Online. Meron din syang programa sa Kumu. Hindi talaga mapigilan si Lance sa paggawa ng mga proyekto kahit may pandemya ay “dapat tuloy ang buhay.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.