Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lance, Renshi bagong pakilig sa BL serye

0 91

Fresh, guwapo ang bagong loveteam na nagpapakilig sa Pinoy BL serye na In Between (Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam). Ito’y sina Lance Justin Carr (Makisig) at Renshi de Guzman (Ronin). Napapanood ito tuwing Sabado, 8PM sa YouTube.

Nakikilala na ang PANGS dahil sa tawagan nila

sa nasabing serye. Hindi rin sila nagpapahuli ng kilig kumpara sa tandem nila Genesis Redido at Migs Villasis.

Ayon kay direk Brilliant Juan nakaplano na ang BL serye na pagbibidahan ng dalawa pagkatapos maging 2nd lead sa In Between.

Si Lance ay produkto ng Pinoy Big Brother. Nasa Davao ito at dun na rin siya nagso-shoot sa pamamagitan ng online.

Nakilala naman si Renshi nang makasama siya sa pelikulang “Class of 2018” nina Nash Aguas at Sharlene San Pedro.

Excited na si Lance na magkita sila ng personal ni Renshi pag natapos ang quarantine.

Abangan na lang natin kung magkakaroon ng kissing scene ang dalawa sa nasabing BL serye.

Boom harot!

Leave A Reply

Your email address will not be published.