Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Landbank magpapautang sa mga private school

0 245

Mahigit sa 80 private school ang nagsabi nang interesado silang mangutang sa Landbank of the Philippines para magkaroon ng study now, pay later plan para sa kanilang mga estudyanteng mahihirapang magbayad dahil sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

Inilunsad ng LandBank ng programang Access to Academic Development to Empower the Masses towards Endless Opportunities noong Mayo at P3 bilyon ang inilaan nito para sa programa.

Ayon sa Department of Finance, inaprubahan na ng Board of Directors ng LandBank ang tatlong aplikasyon na nagkakahalaga ng P260 milyon sa ilalim ng nasabing programa na layong hikayatin ang mga mag-aaral na mag-enroll sa pamamagitan ng study now, pay later scheme.(Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.