Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Landbank, PDIC umentra sa UCPB hacking

0 65

Inatasan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang isang crackteam ng auditors mula sa Land Bank of the Philippines at Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC) na imbestigahan ang “inner workings’ ng United Coconut Planters Bank (UCPB) matapos ang matagumpay na computer hacking dahilan para mawalan ang government controlled bank ng may P167 milyon.

Nabatid ni Dominguez ang imbestigasyon ilang araw matapos makarating sa kanyang kaalaman ang cyberheist na nangyari sa loob ng tatlong araw na weekend noong Hunyo 12 kung saan nagdiriwang ang bansa ng Independence Day.

Tiniyak ni Dominguez na huhulihin at ipakikulong ang nasa likod ng UCPB cybercrime.

Inatasan dinang mga imbestigador na alamin kung papaano napasok ng hackers ang computer system ng UPCB.

Gayundin ay aalamin kung kasabwat na UCPB insiders sa naganap na cyberheist.

Nalaman na ang UCPB ay pinamumunuan ng dating mataas na opisyal ng LBP na si Liduvino Geron, na bank officer in charge mula Hulyo 2, dalawang linggo matapos madiskubre ang cyberheist. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.