Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Landers, balik operasyon na

0 390

Matapos panggigilan ni Pasig City Mayor Vico Sotto na ipasara ang Landers Superstore sa Barangay Ugong, agad na umaksyon at naglagay ng sapat na signages at todo-bantay sa mga customers ang nasabing pamilihan para maipatupad ang health protocol sa kanilang mamimili laban sa pinangangambahang coronavirus disease (Covid-19).

Kabilang sa action plan ng Landers ay ang paglilimita sa mga customer na papapasukin, implementasyon ng foot traffic scheme kung saan may ilalagay na signages tulad ng “no u-turn” at staff monitoring sa bawat aisle nito.

Nabatid na July 21 nang ipasara ang Landers Superstore dahil sa paglabag sa social distancing. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.