Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Landslide naitala sa Antique, Cebu

0 53

KASUNOD ng malakas na buhos ng ulan ay muling nakapagtala ng landslides o pagguho ng lupa sa Antique at Cebu.

Sa Cebu, isang landslide ang tumama sa diversion road ng Sitio Riverside, Brgy. Nangka sa Consolacion.

Ayon sa disaster risk reduction and manage office, ito ay dahil sa patuloy na ulan mula pa nitong Huwebes ng gabi.

Wala namang sugatan ngunit pansamantalang isinara ang kalsada.

Inilikas din ng local social welfare office ang ilang pamilya na malapit sa lugar.

Ang Mantayupan Falls naman sa southern Cebu ay umapaw dahil sa matinding buhos ng ulan at nagpabaha sa mga barangay sa Barili.

Sinabi ng Barili public information office na ang mga residente sa mga barangay Santa Ana at Poblacion ay inilikas nang bumigay na rin ang tulay na natamaan ng puno.

Sa Antique, isang bahagi ng bundok sa Brgy. Adadan, Laua-an ang gumuho na nagresulta sa mga malalaking tipak ng bato sa kalsada at ibang katabing lugar.

Stranded ang mga bus at ibang malalaking sasakyan papunta sa nasabing lugar dahil sa landslide. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.