Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lanete kinapos din sa Doha

0 273

Kagaya ng team niyang Manila Chooks TM, kinapos din si Chico Lanete para pumang-apat lang sa finals ng Fiba 3×3 World Tour Doha Masters Shoot-out Competition Sabado ng gabi sa Al Gharafa Sports Complex sa Qatar.

Nakapagtala ang 41-anyos na ex-pro ng pitong puntos sa finale tungo sa kabiguan na maiuwi ang nakatayang US$500 cash prize.

Hinablot ni Darius Tarvydas ng Sakiai Lithuania ang titulo nang maka-13 points. Sina Steve Sir ng Edmonton at Dejan Majstorovic ng Ub ang mga nasa podium pa sa 12 at 11 pts.

Una nang pinamunuan ni Lanete ang prelims Biyernes sa eight markers. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.