Abante Tonite Interactive

‘Langit’ ni volleybelle muntik nang sumilip

1,016

Hindi naiwasan ni volleyball superstar na magselos matapos na ilantad ng kanyang madalas na kasama na isa ring volley star ang makurbada nitong katawan sa pagbabakasyon sa isang paboritong destinasyon na isla.

Hindi na maitatago ang relasyon ng dalawang volleybelle na halos hindi na lingid sa komunidad ng volleyball kaya naman hindi nakalampas sa mga nakakita ang tila matinding pagseselos ng mahusay na volleybelle sa mga nakakita sa magandang kurbada at makinis na kutis ng kanyang babes.

Nagtampisaw ang mga mata ng kalalakihan sa nasabing isla matapos naman ilantad ng magandang volley star ang kanyang mahubog na katawan pati na ang maalindog nitong pigura sa pagtatampisaw sa buhangin.

Tila lumuwa ang mga mata ng mga nakakita dahil halos mababanaag na ang pinakaaasam nilang makitang ‘langit’.

Kaya naman pagdating sa kuwarto ng dalawang volley star ay hindi naiwasan ng mga kaibigan nito na makarinig ng diskusyon at tila pagtatampuhan na nagtagal ng mahabang oras.

Gayunman, matapos ang mahabang pag-uusap ay naging mainitan muli ang narinig na mga boses bagaman punong-puno na ngayon ng paglalambing.

Kinabukasan ay matatamis na ngiti na muli ang namasid sa dalawang volley star. (Lito Oredo)