Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lani, Christian, Julie Anne pasiklab sa GMA Christmas jingle

0 133

NI: ROLDAN CASTRO

Paskong-pasko na sa Kapuso Network. Ipinalabas nu’ng Linggo sa All-Out Sundays ang lyric video ng GMA Christmas Station ID (CSID) 2021 jingle na pinamagatang “Love Together, Hope Together.”

Pagmamahal at pag-asa ang tema nito. “Sa dami ng pagsubok na dumating, lahat ito’y ating nalagpasan sapagkat sama-sama natin itong pinagdaanan. Kaya naman sa muling pagsapit ng Pasko, nakangiti natin itong sasalubungin, at hawak-kamay nating haharapin ang bagong umaga,” lahad ng GMA.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Muling nagsama ang mahuhusay na Kapuso singers na pinangunahan ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose kasama sina Rita Daniela, Christian Bautista, Maricris Garcia, Aicelle Santos, Anthony Rosaldo, Mark Bautista, Hannah Precillas, Jeremiah Tiangco at Jessica Villarubin, XOXO, Thea Astley, Garrett Bolden, pati na rin sina Arra San Agustin, Faith Da Silva, at Ms. Lani Misalucha.

Nakaka-LSS at catchy nga naman ang bagong Christmas jingle.Siguradong nasa playlist na ito ng maraming Pinoy ngayong kapaskuhan. At siyempre, habang nag-aabang ang maraming fan sa magiging itsura ng Christmas Station ID ng GMA, panoorin muna nila ang lyric video! (Roldan Castro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.