Abante Tonite Interactive

Lani nahirapan kay Regine

355

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioAng Asia’s Nightingale Lani Misalucha, nahirapang sagutin ang tanong kung sino ang mas magaling sa kanila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

Literal na Misalucha was put on the spot dahil sa maintrigang tanong. In fairness to her, sinagot naman niya ito the best way she can pero hindi niya tinumbok ang katanu­ngan, skirting the question o beating around the bush ang kanyang drama na nangyari sa press payanig para sa The Aces concert na mangyayari sa March 30 sa Araneta Coliseum.

Ang diva that you love, nauunawaan kung bakit may alinlangan na sagutin ang katanungan dahil nga una, she is the ultimate professional. Hindi wasto at sobrang unprofessional behavior kung magmamaganda siya at sasabihing siya ang mas magaling. Isa pa, magkaibigan sila ni Regine. At nirerespeto ni Misalucha ang kanilang pagiging magkaibigan. Sapat na iyon.

Sa ating mga nanalig na sila talaga ni Mrs. ­Alcasid ang magkatapat at magkaribal sa pagiging ­Philippine’s Premiere Diva, magpasalamat na tayo sa katotohanan na kay su­werte natin kasi may Lani na tayo, may Regine pa.

Sa kanyang mga katuwang sa concert, ang hanash ni Misalucha para kay Jona, “When it comes to Jona, as you can see how cute and petite she is, but once she opens her mouth and start a few notes, you cannot avoid not to look at her. Nanggagaling ba sa kanya ‘yung boses na ‘yun? She has this amazing voice. Big voice in a tiny frame. That’s how amazing she is.”

Kay Darren Espanto naman, “Ito namang batang ito, being only 17, alam naman nating lahat na hindi naman siya tatawaging total performer kung hindi niya mapu-prove ‘yung moniker. ‘Yung boses niya, parang hindi galing sa 17-year-old young man. ‘Yung quality ng boses niya, meron siyang bitbit na emotion. Ang sarap pakinggan. Malamig pero may depth.”

Ang pangako ni Lani sa mga manonood, “I am expecting they will have a good time. We’ve come up with a set of songs for people to hear. We are expecting that it’s going to be a beautiful show for them.”
***

Related Posts

Vice ‘di ikinahiya ni Ion

Ang tweet na ito, ga­ling nga ba kay Vice Ganda o pekeng balita? Hacked ba ng kanyang account o mula sa puso galing ang inilahad niya na, “Please allow me to be happy. Siguro deserve ko din naman na magmalaki at ipagmalaki ng taong mahal ko at mahal ako. (three emoticons na may mga matang korteng puso). I love you daddii.” May heart emoticon at #inarelatIONship tapos may photo kung saan makikitang si Ion Perez, hinahalikan sa noo ang nag-iisang Queen Bayot.

Ang nasabing tweet, hindi ko na mahagilap pa sa official Twitter page ni Jose Marie. Ang nag-post nito sa Facebook ay isang PR specialist at sure na kaya niya ibinahagi ito, ay dahil masaya siya para kay Vice.

Kung hindi kasinungali­ngan ang Twitter post at may diumanong pag-amin sa “Gandang Gabi Vice” ang new lovers, masaya ang diva that you love para sa kanila.

Kaya kung sila nga ni Perez, maaaring mahal na mahal nga ni Queen Bayot ito kaya ang mga dati niyang mga kondisyon sa pakiki­pagrelasyon, buradong lahat.

Sabel, this must be love nga kaya? Sa ganang akin, kung totoo ang lahat ng chikang ito, this is a cause for celebration. Marami tiyak ang bashing at hating at kung ano-anong pagdududa pero sure ako na mas marami pa rin ang mananalig, matutuwa at magbibigay ng inspirasyon ang kakaibang pagmamahalan nina Vice Ganda at Ion Perez.

Kesa magduda tayo, mas buksan ang puso. Kesa mang-akusa na may naggagamitan na naman, just for this once, can you guys, please be genuinely happy for Jose Marie Viceral and Ion Perez.