Abante Tonite Interactive

Lanters binasag ni Derige

153

Pasiklab ng 31 points at 8 rebounds si Clark Derige para kalsuhan ang three-game slump ng Quezon City Capitals, pinundi ang Pampanga Giant Lanterns, 81-75, sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims Biyernes ng gabi sa Pasig City Sports Center.

Kaagapay niya sina Ryan Paule Costela at Peejay Barua na tumapos ng 18 at 10 markers upang ibalik ang Capitals sa win column at hawak ang 9-13 para kapitan ang 13th spot sa Group A North Division.

“Nag-focus kami sa depensa,” namutawi kay Derige na inihabol ang team mula sa 14 points down. “So ayun pinagtiyagaan namin and nakuha na­ming ‘yung lamang.”

‘Di naisalba ng 18 at 17 puntos nina John Dexter Maiquez at Levi Hernandez ang Pampanga para malasap ang ika-siyam na talo sa 22 laro at bagsak sa Group A South Division sixth place. (Aivan Episcope)

Ang iskor:
Quezon City 81 – Derige 31, Costelo 14, Barua 10, Gadon 9, Olayon 8, Tayongtong 7, Santos 2, Mabayo 0, Medina 0, Boholano 0, Atabay 0, Castro 0.

Pampanga 75 – Maiquez 18, Hernandez 17, Juico 11, Cruz 9, Thompson 5, Apreku 4, Fabian 3, Alberto 3, Cervantes 3, Gomez 2, Acuno 0, Baltazar 0, Binuya 0.