Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lao binaluktot batas sa Pharmally deal – Lacson

0 113

Kumbinsido si Senador Panfilo `Ping’ Lacson na nilabag ng dating office-rin-charge ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) na si Lloyd Christopher Lao ang Anti-Graft Law dahil sa pagbibigay ng malalaking kontrata sa Pharmally Pharmaceutical Corporation kahit na walang pinansiyal na kapasidad ito.

Sa Senate Blue Ribbon hearing hinggil sa iregularidad sa pagbili ng mga medical supply laban sa COVID-19, inilahad ni Lacson na ang Pharmally ay may net working capital na P599,450 at maaari lamang itong bigyan ng kontrata na nagkakahalaga ng P5.994 milyon.

Ngunit sa kabila nito, nakuha ng Pharmally ang una nitong kontrata na nagkakahalaga ng P13.86 milyon na mahigit doble sa maximum na maaari nilang makuha. At nakakuha pa aniya ng pangalawang kontrata na nagkakahalaga ng P54 milyon, lahat sa loob lamang ng isang taon base sa mga dokumento na ibinahagi ni Lacson sa pagdinig.

“Bakit una pa lang na delivery, nasa P13 milyon agad mahigit? May violation agad ditto,” ani Lacson.

“They have no financial capability pero pinapasok nila,” dagdag ng senador.

Nirekomenda ni Lacson kay Senador Richard Gordon, chairperson ng Blue Ribbon panel, na isama sa kanyang preliminary committee report na may malinaw na paglabag si Lao sa Anti-Graft Law, bunsod ng hindi pagsunod sa administrative requirement.

“Mag-agree kayo sa akin, in-exceed ni Lao ang kanyang authority o hindi sinunod ang alituntunin sa Procurement Law, na times 10 lang ng maximum sa net working capital,” ani Lacson.

Ayon sa senador, kasama ang Net Financial Contracting Capacity (NFCC) sa mga eligibility document na kailangang isumite ng mga bidder sa ilalim ng Government Procurement Policy Board (GPPB) Resolution 16-2020.

Base sa Statement of Financial Position ng Pharmally noong 2019, may net working capital ang kompanya na P599,450 at NFCC na hanggang P5,994,500 lamang. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.