Abante Tonite Interactive

Laos na aktres tagapag-aliw ng mambabatas

1,079

Sino raw itong mambabatas ang kumuha ng laos na aktres para lamang gawing tagaasikaso ng mga bisita sa kanyang opisina?

Madalas kasing ma-late ang mambabatas kaya para hindi mabagot ang mga bisita ay ang seksing ex-actress ang nagbibigay ng aliw sa kanila.
Hindi naman sumikat at nagkapangalan ang aktres kaya hindi siya makilala ng mga bisita.

Pero epektib ang ginawang gimik ng mambabatas dahil kahit dalawang oras siyang late sa appointment sa mga bisita ay hindi naman bored ang mga ito, lalo na ang kalalakihan.

Clue: Ang mam­babatas na kumuha ng laos na aktres para mag-asikaso ng mga bisita ay taga-Luzon at may letrang R sa kanyang pa­ngalan.