Abante Tonite Interactive

Lapeña inabsuwelto ni Duterte

Espekulasyon lang ang 1 toneladang droga

By
825

Hindi kumbinsido si Pangulong Rodrigo Duterte sa pahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may isang tonelada ng shabu na nakapuslit ­papasok sa bansa sa kabila ng mahigpit na pagbabantay ng Bureau of Customs (BOC).

Sa kanyang talum­pati sa paglulunsad ng ­“Pilipinas Angat Lahat” program sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na espekulasyon lamang ang report ng pamunuan ng PDEA na nailabas ang isang toneladang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 bilyon sa apat na magnetic lifter na iniwan sa warehouse sa General Mariano Alvarez, Cavite.

“I think the latest bust was from Taiwan. But I’d like to address myself to all government agencies. Iyong sabi nila na those — they found that the me­tal… But they opened it, there was none. It was pure speculation. They were assuming that for those metal, magnetic — contain… So they borehole, there was nothing there.

“And they suspected and they also presumed that is was full of shabu. And they just made an assumption of the price. But there was really none and I am not convinced,” anang Pangulo.

Matapos mapaulat na nakapuslit ang isang tonelada ng shabu, maraming puna at batikos ang inabot ni BOC Chief Isidro Lapeña, ang iba ay hiniling na magbitiw ito sa puwesto.

Dahil dito pinagsabihan ni Pangulong Duterte ang mga opisyal ng gobyerno na iwasan ang ispekulasyon dahil mabigat aniya ang mambintang lalo na kung hindi nama ito napatunayan.