Abante Tonite Interactive

Lapid matatag sa Magic 12

489

Kung ngayon gagawin ang halalan sa pagka-senador, isa si Lito Lapid sa 12 mananalong kandidato. Sa lumabas na survey ng Pulse Asia, si Lapid ay nasa ika-lima hanggang walong puwesto.

Habang sa March survey ng Social Weather Station (SWS) na inilabas nitong Biyernes, katabla ni Lapid sa ika-7 hanggang 8 puwesto si dating Philippine National Police (PNP) chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Tumatakbong independent si Lapid, tulad ng reeleksyunistang si Senador Grace Poe na nanguna sa Pulse Asia survey.

Nakatulong ng malaki sa popularidad ni Lapid ang naging partisipasyon nito sa teleseryeng ‘Ang Probinsyano’ kung saan gumanap ito sa karakter na si Romulo ‘Leon’ Dumaguit.

Nagsilbi si Lapid sa Senado mula 2004 hanggang 2016 kung saan isa sa kanyang panukala na naisabatas ay ang ‘Free Legal Assistance Act.’