Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lapid palalakasin proteksyon sa mga inabusong kababaihan, bata

0 171

Naghain si Senador Manuel ‘Lito’ Lapid ng isang panukala na naglalayong palakasin ang inisyung Temporary Protection Order (TPO) at Permanent Protection Order (PPO) alinsunod sa RA 9262 o Anti-Violence against Women and their Children Act of 2004.

Sa Senate Bil 2143 ni Lapid, pananatilihin ng Philippine National Police (PNP) ang central data base para sa lahat ng valid at subsisting TPOs at PPOs na magiging accessible sa lahat ng police officer at law enforcement authorities.

“Sa ilalim ng panukalang aking isinusulong, gusto kong mas maging mabilis at epektibo ang pagpapatupad ng mga Temporary Protection Order at Permanent Protection Order, at mangyayari lamang ‘yan kung may isang database kung saan mairerecord ang lahat ng iniisyung orders ng korte,” aniya.

Sa ganitong paraan, sabi ni Lapid, makakasisiguro na magiging mabilis ang pagtulong ng ating mga kapulisan na maipatupad ang mga protection order.

“Hindi na rin kailangan pang mangamba ng mga biktima para sa kanilang kaligtasan,” sambit pa nito.

SM food to go Banner Ad

Para matiyak na laging up-to-date ang database, lahat ng TPO at PPO ay agad na ipaparehistro sa central repository ng korte.

“Malaking bagay ang magagawa na may isang maayos na database kung saan nakarecord lahat ng protection orders na inirerelease ng mga korte,” sabi ng senador.

Dagdag pa ni Lapid, malaki ang maitutulong ng panukalang ito para hindi na mag-aksaya pa ng panahon ang ating mga pulis para sa pag-co-coordinate sa mga korte at maging sa mga biktima para lamang maipatupad ang mga protection order na ito.

“Oras kasi na may database na, agad na makikita ito ng mga otoridad at agad din nila itong maipatutupad,” paliwanag pa ni Lapid. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.