Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lapid sinulong job security ngayong pandemya

0 234

Inihain ni Senador Lito Lapid ang isang panukala na naglalayong palawakin ang seguridad ng mga manggagawa sa kanilang trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1910, ang isang kawani na na-expose sa COVID-19 ay maaaring sumangguni sa kanyang employer tungkol sa estado ng kanyang trabaho. Dapat aksiyonan agad ng employer ang health concern na ito sa pamamagitan ng paglagay ng dagdag ng safety equipment, pag-adjust sa work environment, pagbuo ng bagong schedule o humanap ng alternatibong trabaho para sa nasabing kawani.

Inihain ang panukala dahil sa masamang epekto ng pandemya sa ekonomiya na nagresulta sa pagkawala ng trabaho ng karamihan. “However, there are also cases in which the reason for the termination of employment was due to the fear of contracting COVID-19, especially in cases of unsafe workplaces,” paliwanag ni Lapid. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.