Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lapid sinulong proteksyon sa mga ampon

0 58

Naghain si Senador Manuel `Lito’ Lapid ng isang panukala para magkaroon ng moratorium sa paglabas ng mga bata sa panahon ng state of public health emergency dahil sa COVID-19 pandemya.

Sa kanyang Senate Bill No. 2050, nais ni Lapid na amyendahan ang Republic Act No. 10165 o Foster Care Act 2012 para ipatupad ang moratorium anim na buwan matapos ang pagwawakas ng state of public health emergency.

Layunin ng panukala na tugunan ang ilang potensiyal na negatibong epekto ng pandemya sa mga bata.

Sabi ni Lapid, makikita ito sa mga vulnerable sector tulad ng mga inabandona, inampon at nailigtas ng mga bata. Isang pangunahing halimbawa aniya rito ang kalagayan ng mga bata sa foster care.

Kapag pinalabas na foster home ang mga bata, sabi ni Lapid, wala naman silang mga pamilya, kaibigan o tahanan na agad na matutuluyan at makapagbibigay sa kanila ng pangunahin nilang mga pangangailangan.

Maari lamang aniyang bumalik ang mga batang ito sa mga siksikang institutional care facility o ampunan o kaya’y maging palaboy na lamang. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.