Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lapida hindi tinapos, kostumer tinodas

0 236

Pinaghahanap ang isang kostumer matapos umanong patayin ang isang gumagawa ng lapida sa Cebu City dahil hindi nito natapos ang kanyang order sa napag-usapang petsa.

Kinilala ang biktimang si Carl Eric Garces, 30, lapida maker, taga-Sitio Mahayahay 1, Barangay Calamba.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa ulat, pasado alas-6:00 ng umaga kahapon, kinompronta ng suspek na kinilala lamang na ‘Eddie Boy’ ang biktima sa loob ng Carreta Cemetery tungkol sa pinagawa niyang lapida.

Nabayaran na umano ng suspek ang lapida at usapan nila ay tatapusin ito ng biktima noong Hunyo 6.

Sa kanilang pagtatalo ay bumunot umano si Eddie Boy ng kalibre .45 na baril at maraming beses na pinutukan sa ulo at katawan si Garces. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.