Abante Tonite Interactive

Laplapan nina Daniel at Kathryn, pinagpiyestahan sa Facebook!!!

By
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla
33

NAG-LEAK online ang kissing scene nina Daniel Padilla sa Kathryn Bernardo sa bago nilang pelikula na Barcelona: A Love Untold.

Sa opening day ng KathNiel movie­ nu’ng Miyerkules ay na-preempt na agad sa Facebook at YouTube ang highlight ng pelikula nang ku­malat ang video ng halikan ng dalawa.

Pagka-post ng nasabing spoiler scene ay umabot ng halos 1M ang views nito sa FB at nasa 30K naman ang shares.

Mukhang kuha ang video na ‘yon sa premiere night ng Barcelona nu’ng Martes.

Makikita na may mga nagtayuan nang maghalikan ang KathNiel at meron pang mga napatalon sa tuwa habang ang lakas ng tilian ng audience sa background.

Napanood pa namin ang naturang video nu’ng Wednesday night, pero kahapon ay wala na ang leaked kissing clip.

Ang sabi ay tinanggal ng YouTube ang kinu­nan nang panakaw na video dahil sa copyright claim ng Star Cinema.

Tsugi na ang kissing vid, pero nakita pa rin namin ‘yung mga screenshot ng pinag-uusapang halikan nina Daniel at Kathryn dahil naikalat na ang mga ‘yon online.

Kahapon nang gabi pa lang kami manonood ng Barcelona, pero dahil nasilip namin ‘yung leaked video ay alam na namin na ang sarap humalik ni Daniel base sa nakita naming clip.

In fairness ay hindi na nagpa-cute ang dalawa sa ‘pivo­tal scene’ na ‘yon sa Barcelona,­ na nagpaalala sa amin sa ending ng AlDub movie na Imagine You & Me na nag-kiss din sa lips sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Kung ang much-hyped kissing scene ng KathNiel sa teleseryeng Pangako Sa ‘Yo ay HARANG at dinaan lang sa anggulo ng kamera, sa Barcelona ay kita mo closeup na totohanan ang lip lock ng dalawa, na mature na at hindi pa-tweetums lang.

Mas gumuwapo ngayon si Daniel, pero parang umani pa siya ng dagdag pogi points dahil sa galing niyang humalik na parang ang sarap-sarap!

Balitang pinipilahan sa takilya ang KathNiel movie (na naka-P23M sa opening day, sabi ng Star Cinema).

In fairness ay nakabawi rito ang Kapa­milya Teen King & Queen matapos ma-lost sa nakaraang eleksyon ang sinuportahan nilang presidential candidate at hindi maging phenomenal ang huling soap nila na PSY na tila mas kinabog ng OTWOL ng JaDine.

Nu’ng presscon ng Barcelona ay sinabi ni Daniel na ‘yun (kissing scene) ang regalo nila sa KathNiel fans na sumuporta sa kanila sa loob ng limang taon.

Ito ang most mature project ng 21-anyos­ na si Daniel at 20-anyos na si Kathryn.

Kaya umano keri nang ma­ging mapangahas ngayon ni Kath ay dahil tiniwalag na ito sa Iglesia Ni Cristo.

Nu’ng eleksyon ay si Mar Roxas­ ang inendorsong presi­dente ni Kath gayong si Duterte ang sinuportahan ng INC.

May naka­kita rin sa young actress na nakasuot ng Santa Claus costume at ng kuwintas na may crufific pendant, na patunay na hindi na ito miyembro ng INC.