Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Laptop, WIFI allowance ibigay sa mga guro

0 176

Dapat bigyan ng Department of Education (DepEd) ng laptop o internet-capable devices at wifi allowance ang mga pampublikong guro kung itutuloy ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24.

“Huwag nating piliting gumastos ang mga guro para makapagturo,” pahayag ni Hontiveros.

Nauna nang iihayag ng DepEd na na gagamit sila ng ‘blended-learning method’ kung ang mga mag-aaral at guro ay mage-rely sa iba’t ibang teknolohiya tulad ng online classes, telebisyon at radyo.

“Responsibilidad at gastos dapat ng DepEd ang mga ito,” ayon kay Hontiveros.

Kinuwestyon din ng Senado ang panukala ng DepEd na maaring iutang ng mga guro sa Government Insurance Service System (GSIS) ang laptop sa halagang P20,000 pababa.vAng bayad ay ibabawas sa mga suweldo nito.

“Imbes na pautang, dapat libreng suporta,” she said. “Yung mga sundalo ba natin, pinagbabayad ba natin sila para sa baril nila?” punto pa nito.

Sa halip na magkautang pa ang mga guro para sa laptop, mas mainam aniyang gamitin ng Special Education Fund na ibinibigay sa LGUs para mabigyan ng Wi-fi allowance ang mga guro. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.