Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lapurga naghari sa Cunanan chess

0 218

Kampeon si Joey Lapurga ng Novelty Chess Club sa National Master Homer Cunanan’s Practice on Fire Online Chess Tournament noong Martes, Hulyo 14, sa Lichess.Org.

Hindi sumuko si Lapurga matapos manalo sa first round nakapagtamo ng magkasunod na draw. Pero bumalikwas at naipanalo ang sumunod na walong laro.

Nasikwat niya ang korona sa likom na nine points mula sa siyam na panalo at dalawang tabla sa 11 round Swiss system tourney. (Tonite Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.