Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Laput ayaw masunog uli

0 272

Kakayanin kaya ni PBA aspirant James Laput na depensahan si June Mar Fajardo kung championship na ang nakataya?

Tinanong ito ng ‘Sportalakan’ sa Abante News Online nitong Lunes sa UAAP veteran laban sa six-time pro league MVP ng San Miguel Beer.

Pero mukhang natuto na ang dating player ng La Salle Green Archers.

“I can challenge him really damn well… that is such a hard situation I’m gonna say no comment on that one,” saad ng Fil-Australian.

“The last time I’ve commented on this stuff, it blew up in flames,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Laput sa isang report na sana’y hindi siya ma-draft ng Beermen sa Mar. 14 dahil pangarap niyang makatapat ang 6-foot-10 Cebuano kaya binomba siya sa social media. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.